Hindi na umano maikakaila ang galit, selos, at pagka-“paranoid” ni Marjorie Barretto sa kapatid na si Gretchen.
Ito ang reaksiyon ni Gretchen nang pabulaanan ang kanyang mga pahayag sa interview ng TV Patrol kay Marjorie kahapon, Oktubre 22, 2019.
Unang giniit ni Gretchen na nagka-nervous breakdown kaya nagsimula ang gulo sa lamay ng kanilang ama na si Miguel.
Sa panayam, kinontra ito ni Marjorie at sinabing si Gretchen ang nagwala. Kinwento rin ni Marjorie ang diumano’y “kasamaan” ng kapatid, at handa umano itong makipag-ayos (kumpara sa mga paratang ni Gretchen online).
Tinira ito ni Gretchen sa Instagram ilang minuto mula nang magsimula ang panayam.
“Lets stick to each point so people will better understand THE TRUTH fyi RELAX YOU ARE RADIATING WITH SO MUCH ANGER & ENVY & HIGHLY PARANOID,” banat ni Gretchen, sabay lakip ng interview video ni Marjorie.
“Oo ate , oo ate , ikaw na ang kalmado. Ikaw na ang mabuting anak . Ikaw na nga lahat (emoji: mga mata )im longing for the peace you radiate, ate marjorie baldivia itchy -very goooood (emoji: snowman),” pang-uuyam pa ni Gretchen sabay screenshot ng nanggagalaiting mukha ng kapatid.
Una nang naglabas ng mga video si Gretchen ng mga eksena sa lamay ni Miguel, kasama ang diumano’y pagpapakalma ng mga kamag-anak kay Marjorie dahil “fuming mad” ito nang pumunta ang una sa lamay.
Source From:https://www.abante.com.ph/galit-na-galit-gretchen1-pinakakalma-si-marjorie.htm