MAYNILA – Nakaligtas sa pananaksak ang gobernador ng Occidental Mindoro na si Eduardo Gadiano sa kaniyang opisina sa Mamburao, Martes.
Nakaligtas sa pananaksak ng isang lalaki si Occ. Mindoro Gov. Eduardo Gadiano ngayong umaga sa kaniyang opisina sa kapitolyo sa Mamburao.
Ayon kay Gov. Gadiano, may kausap siya sa kaniyang opisina nang biglang pumasok ang lalaki at inundayan siya ng saksak.
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) September 1, 2020
Ayon kay Gov. Gadiano, may kausap siya sa kaniyang opisina nang biglang pumasok ang lalaki at inundayan siya ng saksak, umaga ng Martes. "Hindi halata na may kutsilyong manipis. Sa bukana ng opisina pa lang, bumunot ng kutsilyo," aniya sa panayam sa TeleRadyo.
Mabilis na nakailag ang gobernador at na-korner nila ang suspek sa CR ng kapitolyo.
Mabilis na nakailag ang gobernador at nakorner nila ang suspek sa CR ng kapitolyo.
Hawak na ng Mamburao Police ang suspek na armado ng tatlong kutsilyo.
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) September 1, 2020
Hawak na ng Mamburao Police ang suspek na armado ng tatlong kutsilyo.
Kinilala ni Gadiano ang suspek na si Adrian Agatdula, residente ng Sta. Cruz. Ayon kay Gadiano, nakausap na niya dati ang suspek at maayos naman daw itong kausap nang makipagsalamuha siya rito dati.
Palaisipan para kay Gadiano ang motibo sa insidente, na iniimbestigahan ngayon ng pulisya.
"Kilala rin siya ng mga kasamahan, kumbaga sa kaniyang mga supporter sa election pero hindi namin alam… Wala namang personal na alitan minsan lang na dumalaw, maayos naman kausap pero ngayon hindi ko maintindihan kung ano ang dahilan," aniya.
"Maski ako hindi ko alam kung paano nakapasok ito sa aking opisina."
Kakausapin umano ni Gadiano ang suspek pagkatapos ng imbestigasyon ng pulisya.
— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News