Hindi na talaga matibag si Senadora Grace Poe sa pangunguna sa halos lahat ng survey, pinakahuli ang Pulso ng Pilipino Survey ng The Center nitong Marso 24-30, 2019.
Nakakuha si Poe ng voting preference na 64% samantalang pumangalawa si Sen. Cynthia Villar sa natamong 57% at pumangatlo si dating senador Lito Lapid sa kanyang 51%.
Pumang-apat si Sen. Sonny Angara sa nakuhang 47% halos kapantay ni dating senador Pia Cayetano sa 46.5%.
Pang-anim na puwesto si Bong Go sa 44.7 %, pampito si Sen. Nancy Binay sa 43.4 %, at pangwalo si dating senador Jinggoy Estrada sa natamong 36.3% voting preference.
Pumasok din sa Magic 12 sina Francis Tolentino sa 35.4%; Bato dela Rosa sa nakuhang 34.7%; dating senador Mar Roxas sa 34.3% at dating senador Bong Revilla sa 33.7%. (Lorraine Gamo)
Source From:https://www.abante.com.ph/grace-poe-di-matibag-sa-number-one.htm