Grace Poe number one sa Veritas survey

4 years ago 0 Comments

MULING nanguna sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) si reelectionist Sen. Grace Poe.

Isinagawa ang survey sa buwan ng Pebrero at Marso na may 1,200 respondent mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang mga respondent ng VTS ay pawang mga mananampalatayang Katolikong botante mula sa mga parokya sa 86 na mga Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Pumasok sa magic 12 ng Veritas Truth Survey ay sina (2) Sonny Angara, (3) Cynthia Villar, (4) Pia Cayetano, (5) Willie Ong, (6) Ronald Dela Rosa, (7) Nancy Binay, (8) Bam Aquino, (9) Christopher ‘Bong’ Go, (10) Neri Colmenares, (11) Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at (12) Francis Tolentino.

Magugunita na si Poe ang laging nangunguna sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS).
Ikinatuwa naman ng isang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang listahan ng ieendorso sa pagkasenador ng isang inter-faith group.

Tinutukoy ni Manila Auxiliary Bishop Broderick­ Pabillo ang 10 kandidato na pinili ng ilang lay Christian leader mula sa People’s Choice Movement, na binubuo ng mga Katoliko, Evangelical at Protestanteng lay leaders.
“Our lay leaders, the People’s Choice Movement, have done their work of discernment,” ani Pabillo sa kanyang Facebook post.

Nangunguna sa listahan ang independent candidate na si Sen. Poe, dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at walo mula sa oposition slate na Otso Diretso: Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas at Erin Tañada.

Source From:https://www.abante.com.ph/grace-poe-number-one-sa-veritas-survey.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi