Green, Cousins pantapal ng Lakers kay Kawhi

4 years ago 0 Comments

TAPOS pumutok ang balitang pinili ni Kawhi Leonard ang Clippers, nangolekta na ang Lakers ng ibang piyesa na isasahog kina LeBron James at Anthony Davis.

Nakuha na ng Lakers ang teammate ni Leonard sa Toronto na si Danny Green, sina DeMarcus Cousins at Quinn Cook mula Golden State.

Sa ulat ni Ramona Shelburne ng ESPN, balik din sina center JaVale McGee, guard Kentavious Caldwell-Pope at Alex Caruso.

Pumayag si McGee sa two-year $8.2M deal, $16M ang halaga ng two-year contract ni Caldwell-Pope, two-year $6M kay Cook.

“Free agent guard Danny Green will sign a two-year, $30M deal with the Los Angeles Lakers,” tweet ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Si Wojnarowski din ang nag-ulat na nagkasundo na ang Lakers at sina Rajon Rondo at Cousins.

Sumunod agad si Green kay Leonard, nilayasan nila ang Raptors na hinatid sa unang NBA title nitong nagdaang season.

“Kawhi has made his decision. Seems like the announcement is out,” pahayag ni Green sa video na ipinoste sa kanyang social media accounts.
“It’s time for me to make my announcement … I will be teaming up with new teammates in LA, the Los Angeles Lakers.” (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/green-cousins-pantapal-ng-lakers-kay-kawhi.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi