May katotohanan ba talaga ang matagal na ngang usap-usapan na love affair ni Marjorie Barretto sa isang politiko?
Sa Instagram live ni Gretchen Barretto kasama ang nakababatang kapatid na si Claudine Barretto, nabanggit ng controversial former actress ang tungkol sa mayor ng Caloocan na hindi niya pinangalanan.
Binanggit ni Gretchen ang nasabing mayor nang mapag-usapan sa IG live nito nu’ng gabi ng Miyerkoles ang kuwento sa naging problema ni Marjorie sa dating kasintahang actor-radio announcer na si Kier Legaspi at sa naging gap ng biological daughter niyang si Dani Barretto.
Si Dani ang panganay na anak ni Marjorie na nakatakdang ikasal sa non-showbiz boyfriend nito.
Una munang ikinuwento ni Gretchen ang pagkupkop niya kay Marjorie sa bahay niya sa Blue Ridge habang buntis ito kay Dani. Na 18 years old lang daw si Marjorie nang mabuntis, kasagsagan ng paggawa niya ng mga pelikula sa Viva Films.
Inalagaan daw ni Gretchen at sinuportahan ang mga pangangailangan ni Marjorie habang buntis ito, hanggang sa makapanganak, na siya rin ang nagbayad sa ospital.
“Nagtatrabaho ako. Ako po ang nagbayad ng hospital bills. Natural, pamangkin ko siya, anak siya ng kapatid ko na minamahal ko,” sabi ni Gretchen.
Pati na ang pagkakaroon ng yaya ni Dani ay ibinigay rin daw ni Gretchen.
“She had her yaya, si Yaya Susan. Ako po ang nagpapasuweldo. Hindi po ako nagyayabang. I’m just trying to refresh the memory of everyone…” sambit ni Greta.
Maging ang pagpapagamot sa noon ay sakitin na si Dani ay binalikat din daw ni Gretchen.
“Dani was the apple of my eye. I didn’t have any children yet, I’m provided doon sa… including love and attention… and so did Claudine.
“Si Dani masakitin na bata… ‘yung psoriasis ba ‘yun or asthma of the skin. She had asthma nagne-nebulize. Darling ako ang nagdadala sa ospital, sa doktor. Heto, nagbabantay sa ospital,” sabi pa niya ulit, na ang tinutukoy ay si Claudine.
Hindi itinanggi ni Gretchen ang naramdamang sakit sa post ni Dani sa kanyang social media na sinasabi nitong ang ina lang niyang si Marjorie ang nagtaguyod sa kanya, gayung siya raw ang tumayong ama nito nang kupkupin niya ang sinasabi niyang “favorite sister” na si Marjorie.
Nilinaw ni Gretchen na hindi niya ipinamumukha ang naitulong niya kay Marjorie at ang ginawa nito kay Dani. Gusto lang niyang sabihin na nagmahal siya ng kapatid na si Marjorie at pamangkin na itinuring niyang anak.
Binanggit din ni Gretchen ang pangalan ni Dennis (Padilla) na itinuring siyang tunay ring anak at sinuportahan ang lahat ng pangangailangan ni Dani, para lang ipunto ang pahayag ng pamangkin na ang ina lang niyang si Marjorie ang nag-alaga sa kanya.
Source From:https://www.abante.com.ph/gretchen-sinumbatan-sina-marjorie-dani.htm