NI: Aileen Taliping
NAGBITIW sa kanyang tungkulin bilang presidente ng Government Service Insurance System (GSIS) si Jesus Clint Aranas.
Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Hulyo 2, 2019, walang ibinigay na dahilan si Aranas kung bakit umalis ito sa pinangangasiwaang tanggapan.
Pero binigyang-diin ni Aranas sa kanyang sulat sa Pangulo na kahit ito nagbitiw sa puwesto, isinulong nito ang interes ng GSIS pati na ang interes ng mga miyembro.
Tinitiyak ni Aranas sa Presidente na hindi nito ikinompromiso ang integridad ng kanyang tanggapan at sinunod nito ang batas.
“I resign, secure in the knowledge that I have unwaveringly advanced the interest of GSIS and its members in discharging the functions of the said office always in obedience to all laws and never once compromising my integrity of that of the office I now relinquish,” ani Aranas.
Ang resignation ni Aranas ay epektibo nitong Martes, Hulyo 2, 2019.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Abante, hindi na umano ire-renew ni Pangulong Duterte ang appointment ni Aranas kaya’t nagdesisyon na lamang itong magbitiw sa GSIS.
Dating nagtrabaho sa Bureau of Internal Revenue si Aranas bilang deputy commissioner subalit nakabangga si Commissioner Caesar Dulay kaya’t itinapon ito sa GSIS.
Source From:https://www.abante.com.ph/gsis-boss-nag-resign-bago-masibak.htm