Heart buking sa panghihiram ng mamahaling bag

4 years ago 0 Comments

Mismong si Heart Evangelista ang nagbuko na hindi lahat ng mga luxury bag na ginagamit niya ay kanya, dahil ang iba ay hiniram lang daw niya.

Isang follower ni Heart ang nag-screenshot ng larawan niya na papasok sa Nail Spa na pag-aari niya. Makikita rin ang group shot nina Heart kasama ang asawang si Chiz Escudero, ang ina at ama niya, pati na ang kanyang ate.

Throwback photo, na makikitang nakasabit sa balikat ng ina ni Heart ang signature bag. Ang Chanel bag agad na gamit-gamit ni Heart ang napansin ng kanyang follower at tinanong kung ginamit ba nito ang classic Chanel maxi bag ng kanyang ina o meron din siya nito na kaparehas na bag o binigyan siya ng kanyang ina ng parehong bag?

Hindi naman nag-atubili si Heart na sagutin ang follower at sinabing hiniram lang niya ito sa kanyang Ate Camille.

Naaliw ang mga follower ni Heart dahil nalaman nilang nakakahiram ang idol nila sa mga kapatid nito ng mga bag. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/heart-buking-sa-panghihiram-ng-mamahaling-bag.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi