Hepe ng pulisya arestado dahil sa pakikipagsiping sa 2 babaeng preso

3 years ago 0 Comments

MAYNILA (UPDATE)- Arestado ang isang hepe ng pulisya sa Cebu dahil sa pagsiping at pagpapatulog sa 2 babaeng preso sa kaniyang kwarto.

Watch more in iWant or TFC.tv

 

Hinuli noong Huwebes si Police Major Ildefonso Viñalon Miranda Jr., hepe ng Argao Municipal Police Station, matapos umanong ireklamo na nagpapasok ng babaeng preso sa kanyang opisina. 

Doon umano sa opisina ni Miranda pinapatulog ang 1 babae habang ay isa ay natutulog sa kanyang opisina imbes na nakakulong sa selda.

Ayon sa PNP Integrity and Monitoring Group, ka-relasyon ni Miranda ang isang babae habang ay isa naman ay ginagawa niyang helper. 

Kapwa naaresto sa ilegal na droga ang 2 babae. 

Ayon sa mga imbestigador, naabutan pa umano nila ang hepe sa kaniyang opisina kasama ang 2 babae.

Nakita rin sa cellphone ni Miranda ang mga larawan na katabi niya ang mga babaeng preso habang nakahiga.

Sa isang larawan, suot pa ng isang preso ang uniporme ng opisyal.

Ayon sa pulisya, gross violation ng procedures ang ginawa ng hepe na maaaring masibak sa serbisyo. 

Nasa headquarters na ng Philippine National Police Central Visayas si Miranda na hindi pa nagbibigay ng pahayag sa reklamo.

-ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/03/06/20/hepe-pulis-sex-argao-cebu-station

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi