Honeylet pumalag sa pagdawit kay Kitty sa narco-list video

4 years ago 0 Comments

UMALMA si Honeylet Avanceña, ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang idawit pati ang kanyang anak na si Veronica ‘Kitty’ Duterte sa isyu ng iligal na droga.

Sa ikalawang video ng nagpakila­lang “Bikoy”, isinama nito ang pangalan ni Avanceña at anak na si Kitty sa illegal drug trade.

Ayon kay Avanceña, hindi siya walanghiyang ina para gamitin ang pangalan ng anak.

“Napakawalanghiya ko naman na nanay kung ipangalan ko sa anak ko,” ang text message ni Avanceña.

Sa ikalawang video, inakusahan ng nagpakilalang Bikoy ang mag-inang Honeylet at Kitty na tumatanggap ng suhol mula sa illegal drug trade at idinedeposito umano ito sa Hong Kong.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na ang oposisyon at si Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng video dahil hanggang nga­yon ay gigil na gigil pa rin ito sa kanya.

Hindi na lang aniya nito papatulan ang senador kasabay ang pagtiyak na hindi sila sangkot sa iligal na droga.

“Hinahayaan ko na lang ‘yang si Trillanes because that has become his passion. ‘Di ako pumapatol sa bakla. That is is a propaganda, that is being repeated all the time. Alam ko propaganda na ‘yan, I was told. I assure you we are not into it,” anang Pa­ngulo. (Aileen Taliping)

Source From:https://www.abante.com.ph/honeylet-pumalag-sa-pagdawit-kay-kitty-sa-narco-list-video.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi