ARIES (March 21-April 19) – Walang dapat pumigil sa iyo lalo na kung ito ay takot na walang dahilan. Marami kang maa-accomplish kung lalaksan mo ang iyong loob at mananatiling positibo ang pananaw. Magpokus lamang sa iyong tina-target. Lucky number for today: 17
TAURUS (April 20-May 20) – May ilang taong masyadong mapagmasid sa lahat ng iyong ginagawa. Marami rin silang kritisismo pero hindi mo na dapat pang patulan. Umaktong hindi ka apektado dahil lalo silang magkokomento kung patuloy kang makikitaan ng reaksyon. Lucky number for today: 39
GEMINI (May 21-June 20) – Lumabas at makipagsaya kasama ang mga kaibigan. Hindi mali na magrelaks lalo na kung ilang araw ka nang natutok sa mga seryosong usapin. Kailangan din ng iyong isip ng pahinga. Lucky number for today: 35
CANCER (June 21-July 22) – Kung nangangarap kang makagawa ng isang espesyal na bagay, ngayon na ang pagkakataon para tumigil sa pangangarap at mag-umpisa nang umaksyon. ‘Wag matakot na lumapit at makipag-usap sa mga indibidwal na may malaking maitutulong sa iyo. Lucky number for today: 40
LEO (July 23-August 22) – Ang mga limitasyon at restriksyong dating nakapigil sa iyo ay mawawala na. Malaya kang gawin ang nais mo. Samantalahin ito para maisulong ang gusto mo nang walang inaalang pagkontra mula sa mga tao sa iyong paligid. Lucky number for today: 32
VIRGO (August 23- September 22) – Importanteng manindigan sa katotohanan maging sa mga isyung may kinalaman sa iyong kalusugan. Iwasan ding maging sentimental. Lucky number for today: 3
LIBRA (September 23- October 22) – Huwag matakot ipakita ang iyong tunay na nararamdaman dahil dito mo lamang matatanggap ang hinahanap mong pagtugon. Kung patuloy na manghuhula ang taong minamahal mo ay malabo mong makuha ang hanap mo mula sa kanya. Lucky number for today: 18
SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi masamang mag-isip ng mga bagong ideya lalo na kung ang mga ideyang dati mong ginagamit ay hindi na umuubra. Magpakatotoo ka at nang hindi masayang ang iyong effort. Lucky number for today: 22
SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga isyung hindi mo makokontrol at hindi mo na mababago. Kailangan mo na itong matanggap para tuluyang makapag-move on. Lucky number for today: 26
CAPRICORN (December 22-January 19) – Mataas ang emosyon ngayong araw na ito. Mas sensitibo ka kaysa karaniwan at madali ring mapikon. Anuman ang marinig, iwasang magpakita ng anumang reaksyon at huwag ituring na personal ang lahat ng komento. Lucky number for today: 47
AQUARIUS (January 20-February 18) – Mas matindi ang epekto ng iyong salita kaya mag-ingat sa mga sasabihin. Puwedeng lalong maging komplikado ang isang sitwasyon dahil lamang sa simpleng komento. Mahihirapan ka rin na makuha ang pang-unawa ng taong kaharap mo. Lucky number for today: 45
PISCES (February 19-March 20) – Lumiliit ang espasyo para makagawa ka pa ng adjustment. Habang maaga, kumilos na at huwag tutulog-tulog. Kailangan mong maging maagap para maresolba ang isang isyu bago ito mawala sa iyong kontrol. Lucky number for today: 50
Source From:https://www.abante.com.ph/horoscope-03-22-19.htm