Horoscope 05/07/2019

4 years ago 0 Comments

ARIES (March 21-April 19) – May sorpresang hatid ang araw na ito at maaring hindi ka handa para rito. Sa kabila nito, mahihirapan kang pigilin ang takbo ng mga pangyayari at walang ibang opsyon kundi makiayon muna. Lucky number for today: 2

TAURUS (April 20-May 20) – Mas makabubuting maghintay ng isa o dalawang araw para gumawa ng bagong mga plano. Umiwas muna sa mga aktibidad na makakapagod sa iyo. Mas mababa ngayon ang iyong enerhiya kumpara sa karaniwan. Lucky number for today: 11

GEMINI (May 21-June 20) – May tsansa ngayon na gumawa ng matinding marka na matatandaan ng mga tao sa paligid mo. Kailangan mo ang suporta ng nakararami kaya iwasang mapasobra lalo na kung may kinalaman sa emos­yon. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Sa araw na ito, wala ka sa mood na humarap sa mga mabibigat na responsibilidad. May epekto pang hatid­ ang isang masayang pagkikita kaya mahirap pang sumabak sa reyalidad. Lucky number for today: 20

LEO (July 23-August 22) – Mas makulay ngayon ang mundo mo. Ito’y dahil sa taong nanatiling loyal at buo ang suporta sa iyo. Sa kanya ka kumukuha ng inspirasyon at ramdam na ramdam mo ito ngayon. Lucky number for today: 12

VIRGO (August 23- September 22) – Isang magandang araw na ito para pag-aralan kung tama ang tinatahak mong direksyon sa buhay. Hindi masamang pag-aralan kung hindi ka nalalayo sa orihinal mong plano. Lucky number for today: 44

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi masamang ikonsidera ang pagbiyahe. Magpapalawak ito sa iyong koneksyon. Bantayan din ang iyong kalusugan. Lucky number for today: 15

SCORPIO (October 23-November 21) – Mataas ngayon ang iyong emosyon. Ang isang damdamin na matagal mo nang pinipigil ay posibleng mawala sa iyong kontrol. Habang may ganitong mood, hindi masamang dumistansya muna sa karamihan. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Makakaagaw ng iyong atensyon ang isang indibidwal na masasabing opposite mo sa lahat ng aspeto. Kahit hindi siya ang ideal person mo, mahirap namang balewalain ang nararamdamang atraksyon. Lucky number for today: 1

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung nahihirapan ka sa isang trabaho, aminin ito. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung wala naman dito ang iyong interes. Lunukin na muna ang pride. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – May excitement na parating at ramdam mo na ito. Magtatagumpay ka sa isinusulong mong ito lalo na kung hahaya­an mong tulungan ka ng mga taong tapat sa iyo. Lucky number for today: 16

PISCES (February 19-March 20) – May isyu sa pamilya na kailangan mong harapin. Posibleng may mga masaktan pero bahagi lang ito ng katotohanan. Lucky number for today: 29

Source From:https://www.abante.com.ph/horoscope-05-07-2019.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi