Horoscope 09/30/2019

3 years ago 0 Comments

ARIES (March 21-April 19) – Ala­gaan mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang kailangang magsakripisyo. Kaila­ngan mo ring pumasok sa isang kompromiso. Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – Mas komportable ka ngayon sa anumang sitwasyon mo. Nakikita ng lahat na may dagdag kang kumpiyansa sa sarili. At mas magagawa mo ang mga responsibilidad na dati’y tila napakabigat gawin. Lucky number for today: 25

GEMINI (May 21-June 20) – ‘Wag mong hayaang mauwi sa isang mainitang argumento ang isang pag-uusap na puwede namang ma­ging mahinahon. Pa­kinggan mo muna ang opinyon at ideya ng taong kaharap mo. Lucky number for today: 2

CANCER (June 21-July 22) – Pagbigyan mo muna ang iyong kagustuhan. Wala itong kinalaman sa materyal na bagay kundi sa pa­ngangailangang emos­yunal. Tigilan na ang pagpapahirap sa iyong sarili. Lucky number for today: 14

LEO (July 23-August 22) – Kung nagpaplano kang mag-ipon, ngayon ang tamang pagkaka­taon. Wala kang interes ngayon sa mga materyal na bagay kaya hindi magiging mahirap para umiwas sa mga paggastos. Lucky number for today: 7

VIRGO (August 23- September 22) – Mas magiging kuntento ka kung ang nakakasama mo sa araw-araw ay mga taong nirerespeto mo at may kahalintulad mong interes. Lumayo na sa mga taong nega­tibo at nagpapababa lamang ng iyong self-confidence. Lucky number for today: 1

LIBRA (September 23-October 22) – Kailangan mong maging alerto at flexible. May isang sitwasyon na susubok sa haba ng iyong pasensya at sa ga­ling mong dumiskarte. Lucky number for today: 22

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang taong nakilala mo sa isang mataong lugar ang may mahalagang impormasyong maisi-share sa iyo. Ito rin ang kukumpirma sa matagal mo nang pinagsususpetsahan. Marami ka ring matututunan sa taong ito. Lucky number for today: 6

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – ‘Wag munang isara ang isip sa mga bagong estratehiyang inilalapit sa iyo. Dapat mong i-apreciate na maraming gustong magpayo sa iyo. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang tao sa paligid mo ang labis na naiinggit sa mga achievement mo. Hindi na niya ito maitago kaya hindi lamang ikaw ang nakakapansin. ‘Wag nang patulan ang kanyang mga patutsada. Lucky number for today: 34

AQUARIUS (January 20-February 18) – Naglalaban-laban ang iyong emosyon at tila hindi ka makapamili kung saang direksyon ka dapat pumunta. Idistansya muna ang sarili para ganap na makapag-isip. Lucky number for today: 23

PISCES (February 19-March 20) – Magrelaks hindi lamang sa katawan kundi higit sa isip. Makakatulong ang musika at pananahimik sa kuwarto. Lumayo muna sa anumang aktibidad na maghahatid ng pagod. Lucky number for today: 40

Source From:https://www.abante.com.ph/horoscope-09-30-2019.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi