Naranasan naming bumisita muli sa GenSan sa Sarangani province last weekend. Sa Roadhaus Hotel nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao kami tumuloy for two nights and three days.
Nasa playoffs na kasi ng MPBL ni Sen. Pacquiao kaya’t from Davao City, ang sayang mag-via land travel to GenSan (maayos ang kalsada at hindi nakaka-stress ang biyahe unlike ‘pag umuuwi kami sa Bicol na ngarag na ngarag kami hahaha!).
Pero ibang-iba ang bonggang experience namin nu’ng una kaming naimbitahan nina Manny at Jinkee. Taliwas sa mga bonggang portrait ni Jinkee sa mga hagdan ng hotel (proud siguro siyang ipakita ang before and after looks niya), tinipid kami sa mga tuwalya hahaha.
Imagine sa halos three days namin dun, isang towel ang paulit-ulit naming ginamit.
At heto pa, nu’ng mag-check out na kami, talagang sa harapan namin binilang ang maninipis nilang towel na para bang mukha kaming magti-take out, hahaha!
Two nights din naming pinagtiyagaang yapusin at dampian ng mga mukha namin ang (again, manipis) na mga unan sa hotel kung saan ang buong mukha ni Pacman ang naka-drawing.
May moment pang ultimo ang tubig ay tipid. Plus nu’ng manalo kontra team ni Pacquiao na GenSan ang Bacoor Strikers, naroong patayan ng air-con ang dining hall nila dahil past 1 am na raw? Eh sa late natapos ang basketball, hahaha!
At ang pinaka-ikinaloka namin ay nu’ng pauwi na kami. Bigla kaming nagrenta ng vans papuntang airport dahil wala na raw ‘yung bus na naghatid-sundo sa amin from Davao to GenSan.
Hindi pa kasama sa tsikang ito ‘yung mga naganap sa basketball game ha. Kung ano ‘yung kabonggahan ng dati naming naranasan noon, eh siya namang kabaliktaran nu’ng nakaraang linggo.
Alam kaya ito nina Sen. Manny at Jinkee na kung mag-post ng mga paandar sa kanilang mga social media accounts eh lume-level sa mga Hollywood celebrities!
JK Labajo ‘di takot sa mga showbiz reporter
Nakakatuwa ang katapangan nitong si JK Labajo. Sinabi nitong pinag-aaralan na niya ngayon ang mga social media post, mga printed articles at interviews niya na umano ay naiiba o iniiba ng ibang mga showbiz reporter.
Kung lahat daw ay malayang aglahiin siya, the feeling is mutual daw. Ipinagmamalaki pa niyang hindi siya kailanman natatakot sa mga nega write ups dahil kilala raw niya ang kanyang sarili.
Kaya sa nangyayari ngayon sa kanyang career, kung saan nakabentahe sa kanya ang pagputok ng kanyang awitin at mga shows, kailangan nga niyang samantalahin ang lahat.
Besides, hindi naman talaga siya iniiwanan ng mga fan at supporter niya so the fun must continue, kahit may mga banta o may demanda pa siya! Kahit itanong pa raw natin sa model- beauty-queen rumored gf niya.
Ganyan siya katapang!
Source From:https://www.abante.com.ph/hotel-nina-manny-jinkee-sa-gensan-super-cheap.htm