Hubad na boylet umeksena sa interview kay Vico Sotto

3 years ago 0 Comments

Bilang pagtupad sa tungkulin bilang isang alkalde, madalas nagla-live sa Facebook si Pasig City Mayor Vico Sotto upang i-update ang kanyang mga nasasakupan kung ano ang development sa kanilang lungsod at kung ano pa ang mga plano niya para rito.

Nitong Miyerkoles naman ay naimbitahan ang alkalde sa isang video call interview na naka-live rin sa Facebook ng Foreign Correspondents Association of the Philippines. Habang nagsasalita si Vico, bigla siyang napatigil sa kanyang sinasabi dahil biglang nawala ang kanyang linya at laking gulat na biglang may lumabas na litrato ng isang lalaking nakahubad na nakaupo habang nagkokompyuter.

Sobrang bumenta ito sa mga netizen na may nakalusot pang ganoong eksena habang pormal na inihahayag ng alkalde ang latest update sa kanilang lungsod tungkol sa COVID-19. Hindi akalain ng mga manunuod at maging ni Mayor Vico na may lalabas na ganoong litrato habang ini-interview siya.

Halatang nagulat siya dahil napatigil ito sa kanyang pagsasalita at hindi agad naka-reboot sa sasabihin. Dalawang segundo lang naman ang itinagal ng hubad na litrato sa screen pero ang tagal talaga bago maka-get over ang mga netizen dito.

Agad umani ito ng maraming reaksyon sa mga fan at talagang marami ang tawang-tawa sa nangyari. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/hubad-na-boylet-umeksena-sa-interview-kay-vico-sotto.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi