Huling hirit sa 95B pork ni Gloria binara

4 years ago 0 Comments

Nag-iingay lamang si House Committee on Appropriations chairman at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. upang maimpluwensiyahan si Pangulong Rodrigo Duterte para huwag i-veto ang P95 bilyong post-bicam realignment ng Kamara sa 2019 national budget.

Ito ang patutsada ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kaugnay sa naging pahayag ni Andaya na tinapyasan umano ng Senado ang budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Build, Build, Build program ng administrasyon.

“Delusional na yata. It’s their last ditch effort to influence the President not to veto their illegal realignments,” banat ni Sotto.

Paliwanag ng Senate President, nagkaisa ang mga senador na tapyasan ang alokasyon sa Build program at iba pang priority project at inilipat ito sa ibang ahensiya base na rin sa hiling ng individual proponents.

“And we did it before the Bicam and ratification. Not after ratification. That’s illegal,” diin ni Sotto.

Nauna nang itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na siya ang utak ng P95 bilyong realignment sa post-bicam report.

Bumuwelta naman si Andaya sa pahayag ni Sotto na nahihibang na siya.
“Delusional. Obfuscate. The Senate President has resorted to name calling and language engineering in a bid to divert public attention from the drastic budget cuts imposed by the Senate on the President’s major infrastructure projects and social programs,” pahayag ni Andaya.

Ayon kay Andaya, hindi na kailangan pang kumonsulta sa diksyunaryo ng Senate president para gumamit ng mapanghamak o palalong mga salita.

Ang kinakailangan lamang umano nitong gawin ay ipaliwanag sa publiko kung bakit binawasan ng Senado ang budget hindi lamang para sa mga proyekto ng Build, Build, Build, kundi pati na ang pensyon para sa uniformed personnel gayundin ang retirement benefits ng mga kawani ng gobyerno. (Lorraine Gamo/Aries Cano)

Source From:https://www.abante.com.ph/huling-hirit-sa-95b-pork-ni-gloria-binara.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi