Huling pelikula ni Manoy ipapalabas na

4 years ago 0 Comments

ANYTHING GOES
Jun Lalin

“With the special participation of Mr. Eddie Garcia” ang billing ng yumaong premyadong actor/director sa pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E.

Maraming nagsasabing gusto nilang panoorin ang last movie ng itinuturing na isa sa great actors ng local movie industry. Maka-jackpot kaya sa takilya ang pelikulang ito?
Sana!

Sharon, Regine magsasama sa concert

Marami na ang excited sa pagsasamahang pro-ject ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

May pinost nga si Ogie Alcasid sa kanyang Instagram na picture ng kanyang misis at ni Sharon at ang caption niya ay #soon at #allglorytogod at mukhang pati siya ay excited na para sa project na ‘yon.

Kahapon, inalam ko kay Cacai Velasquez-Mitra, sister cum manager ni Regine, kung ano ba talaga ang project na ‘yon plus the details.

Mabilis namang sumagot si Cacai at sinabing concert nga ‘yon, pero ang details daw, wala pa talaga dahil marami pang inaayos.
Sabi ko kay Cacai, tiyak na magiging mega hit ‘yon!

Pacman mabenta
pa rin sa mga
Pinoy sa LA

Nasa Los Angeles, California ngayon ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao.

Nagte-training na siya para sa boxing fight nila ni Keith Thurman na gaganapin sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada on July 20.
Nakita ko sa Facebook page ng ilang mga kaibigan na taga-L.A. ang pagdalaw nila kay Manny.

In f­airness sa boxer/politician, ini-entertain niya ang mga kababayan natin na dumadalaw sa kanya sa bahay na karamihan ay kaibigan ng mga miyembro ng Team Pacquiao niya.

Sabi ng friend ko, Friday nang dumalaw sila kay Manny at may Bible study raw.

Nag-join pa nga raw sila rito.
Actually, hindi naman nawawala ‘yon kay Manny kahit busy pa siya sa training. Kahit nga after his fights, palaging may ganoon. Pagdating nga raw sa Bible ay sobrang bihasa na si Manny.

Anyway, maraming mga nakatakdang pumunta sa boxing fight ni Manny against Keith at naniniwala sila na mananalo pa rin ang ating Pambansang Kamao!
Ang bongga!

Source From:https://www.abante.com.ph/huling-pelikula-ni-manoy-ipapalabas-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi