Huling yakap na ni Gumabao sa BF

3 years ago 0 Comments

Kagaya ng lahat, kulong muna sa bahay si volleyball star Michele Gumabao dahil sa panawagan ng gobyerno na manatili sa kanilang tahanan.

Dahil sa banta ng coronavirus disease of COVID-19, suspendido muna ang mga sporting event sa bansa.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gumabao ang huling yakap nila ng kanyang boyfriend.

“Officially staying home! Hi @aldopanlilio12 last hug mo na ‘yan” caption ni Gumabao sa Instagram post.

Pinaalalahanan rin nito sa kanyang caption na maging responsable at maging ligtas sa tumitinding coronavirus pandemic.

“Hoping everyone is being responsible and safe during these times! Listening to praise and worship really helps me stay calm! Sharing with you this verse that we can also hold onto and meditate on!”

Nag-iwan rin si Gumabao ng Bible verse na, “Isaiah 41:10 So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.” (JAT)

Source From:https://www.abante.com.ph/huling-yakap-na-ni-gumabao-sa-bf.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi