Hustisya giit ng pamilya ng Pinay na pinatay sa Indonesia

3 years ago 0 Comments

NAIUWI na sa Pilipinas kahapon ng umaga ang labi ng isang Pinay na natagpuang patay sa Bali, Indonesia matapos ang isang taong pagdadalamhati ng kanyang pamilya.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), Sabado ng alas-nuwebe ng umaga ng lumapag sa bansa ang sinaksakyang eroplano mula sa Indonesia sakay ang labi ni Ella Paaño.

Lumalabas na nagtungo sa Bali si Paaño noong Disyembre 22, 2018 upang magbakasyon ng isang linggo, ngunit hindi ito nakauwi ng Pilipinas.
Dineklara siyang missing at nitong nakaraang Agosto ng taong kasalukuyan ay natagpuan ang kanyang bangkay.

Dahil hindi makilala ang bangkay ng biktima na natagpuan sa loob ng kahon, kung kaya’t kinailangan pang magsagawa ng DNA testing ang mga awtoridad sa Indonesia.

Saka lamang nakumpirma ang bangkay ni Paaño nitong buwan lamang ng Nobyembre.

Nanawagan sa gobyerno ang pamilya ng biktima na tulungan silang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima at noong Biyernes (Disyembre 20) ay magdadaos sana ito ng kanyang ika-26 na kaarawan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nakikipag-ugnayan ang DFA sa mga awtoridad ng Indonesia para sa kanilang isinagawang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng Pinay. (Armida Rico)

Source From:https://www.abante.com.ph/hustisya-giit-ng-pamilya-ng-pinay-na-pinatay-sa-indonesia.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi