Iguodala back-up kina LeBron, Davis

4 years ago 0 Comments

ITE-TRADE na ng Golden State Warriors si Andre Iguodala sa Memphis Grizzlies.

Walang hininging kapalit ang Warriors, kailangan lang nilang magbawas ng salary cap para makakuha ng higit isang player na pamasak sa iniwang puwesto ni Kevin Durant na tumalon sa Brooklyn. Idagdag pa ang knee injury ni Klay Thompson na February pa ang inaasahang pinakamaagang balik.

May isang taon pang natitira sa three-year contract na pinirmahan ni Iguodala sa Warriors noong 2017, pero baka – baka lang – hindi rin siya magsuot ng Grizzlies jersey.

“He has basically – according to sources – informed everybody he’s going to work out a buyout and then go to the Lakers,” pahayag ni Stephen A. Smith sa kanyang radio show sa ESPN na First Take nitong Lunes.

“So Andre Iguodala is planning on joining the Lakers from what we’re being told. I don’t know how true that is, whether or not it is going to definitely happen. But that is the plan at this particular moment in time.”
Nakatakdang tumanggap si Iguodala ng $17.2 million sa susunod na season, pero mukhang papayag siyang mabawasan ito ng ilang milyon sa buyout para maging unrestricted free agent.

Iguodala sasama kina LeBron James at Anthony Davis? At sakaling – sakali lang – mapadpad din si Kawhi Leonard sa Lakers, super-team na ang squad ni LeBron.

May koneksiyon si Iguodala, 35, sa Lakers, dahil agent niya dati ang general manager ng prangkisa nga­yong si Rob Pelinka.

Pagputok ng balitang posibleng lumipat agad sa Lakers si Iguodala, nag-tweet si Ramona Shelburne ng ESPN: “Iguodala is a former Rob Pelinka client. If his stay in Memphis is short, don’t be surprised to see La­kers get involved.” (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/iguodala-back-up-kina-lebron-davis.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi