Ikinumpara kay Jessica Soho: Korina Sanchez rumesbak ng…

3 years ago 0 Comments

Hindi pakakabog si Korina Sanchez sa pakikipagtalakan, bakbakan sa mga basher, kaugnay sa pagpapasara sa ABS-CBN 2. Ilan sa mga Twitter user ang nagposte ng pakikipagtarayan ni Korina sa mga basher.

May isang netizen ang nagbanggit ng pangalan ng asawa niyang si Mar Roxas na kasama raw na nangulimbat sa pondo para sa Yolanda. At niresbakan nga ito ni Korina:

“@lovemaddy88 Naga-aral ka ba ha? So naiintindihan mo ang lahat na resulta ng inquiry na walang kinalaman si Mar sa Yolanda funds? Or bingi at bulag ka? Tanungin mo si Ping Lacson ano nangyari sa pondo.”

Ang tungkol naman sa 11K na empleyado ang pinunto ng isa pang netizen at sinabing ginagamit lang ng Kapamilya network ang mga ito sa isyu ng shutdown, gayong hindi naman daw inasikaso ng istasyon ang dapat sana ay pagri-renew ng franchise nila.

Sago ni Korina: “@applefye00, OH PUHLEEEEZ employee ka?”

Pati kay Jessica Soho ay kinumpara ng basher si Korina na hindi raw nito maabot ang achievement ng nasabing Kapuso News & Public affairs host, dahil sa pagiging bias ng huli. Dito ay bumanat ng talak si Korina.

“@allaboutkatelynn, so what are you doing in my page? Secret fan? Couldn’t help yourself? Pahiram ko sayo mga trophy ko sabit mo sa leeg mo para makuba ka? Halika.”

Taray, di ba?

***

Kapamilya star nag-‘People Power’ sa socmed

Humahakot ng mas kongkretong simpatiya ang ABS-CBN sa sambayang Pilipino sa #LabanKapamilya”.

Hinikayat ng mga Kapamilya star ang mga netizen na mag-post sa kani-kanilang mga social media account ng kanilang mga larawan na nakapatong ang kanang kamay sa kanilang dibdib.

Itinuro sa kampanya ang proseso na puwede rin nilang ipadala ang kanilang mga larawan sa isang email address para doon ay makita nila ang kanilang mga photo sa website ng Laban Kapamilya.

Lumabas na parang isang online people power ang kampanya na samahan ang buong Kapamilya na iparating sa gobyerno ang pagtutol nila sa shutdown at panawagang ibalik sa ere ang kanilang network.

Hindi man magawang lumabas sa kalye o EDSA ng empleyado at artist ng ABS-CBN pati na ng mga fan, kaya sa social media na lang idadaan ang pagkalampag sa gobyerno.

***

Aso nadamay sa laban ni Ryza Cenon

Napalitan ng cuteness ang dapat sana ay seryosong post ni Ryza Cenon na nagpapakita ng suporta niya sa ABS-CBN sa Laban Kapamilya campaign, sa larawan nitong nakapatong ang kanang kamay sa dibdib, dahil sa kanyang aso.

Bukod sa isang matanda at dalawa pang babae na naka-LK sign, pati ang alaga niyang aso ay kinunan din ng larawan ni Ryza na nakapatong sa dibdib ang paa nito.

Mababasa sa comment ng mga follower ni Ryza na naaliw sila sa itsura ng pet dog at sa walang kamuwang-muwang na pagkakasali nito sa ipinaglalaban ng Kapamilya network.

Nasa comment din ang pag-asa ng mga fan ni Ryza na maibalik sa ere ang istasyon.

***

Angel humingi ng dasal para sa alaga

Kung nitong mga nakaraang linggo ay mga netizen at frontliner ang tumatawag ng pansin kay Angel Locsin para sa hinihingi nilang tulong, ngayon naman ay ang Kapamilya star ang nanawagan at humingi ng pabor sa maraming Pinoy.

Nakaposte sa Instagram ng aktres ang larawan niya habang yakap ang isang puting pet dog. Base sa caption, nanawagan ng dasal ang aktres para sa kanyang alaga na dumadanas ng kidney failure.

Nakasuot ng baseball cap at face mask si Angel habang yakap ang alaga, kaya hindi makita ang kanyang mukha. Pero sa mensahe nito ramdam ng lahat ang pagkabalaha niya sa kalagayan ng kanyang aso at ang pag-asang maisasalba ang buhay nito.

Hindi lang sa tao may malaking malasakit si Angel, kundi pati na rin sa mga hayop partikular na sa mga pet dog.

Source From:https://www.abante.com.ph/ikinumpara-kay-jessica-soho-korina-sanchez-rumesbak-ng-talak.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi