Ilang Chinese pinangalan sa patay na Pinoy

3 years ago 0 Comments

MAY ilang mga Chinese national umano ang nanunuhol sa Local Civil Registry Office para makakuha ng identity ng mga namatay na Pinoy at gamitin para makatagal ng pananatili sa Pilipinas, ayon kay Senador Richard Gordon.

“Pinapalitan, binibigyan ng ‘yong kanilang identities, tiga-assume na sila, ‘yung birth certificate doon,” pahayag ni Gordon sa panayam ng mga reporter.

Ginawa ni Gordon ang rebelasyon isang araw matapos nitong sabihing ginagamit ng China ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) para makapagpasok ng pera na gagamiting pampondo para sa kanilang pag-espiya sa bansa.

“Nakita dati noong ginagawa pa ng Taiwanese, wala namatay si ganito, nasa same edad, babayaran ko ‘yung civil register. Ililibing nila kung saan. Babayaran ‘yong pamilya,” lahad pa ni Gordon.

Samantala, inihayag din ni Gordon na may mga Pilipinong ginagamit ang mga Chinese national na tagahakot ng kanilang pera papasok ng bansa.

Batay sa record ng Bureau of Customs na nakuha ni Gordon, may walong Pilipino buhat sa Singapore na lumapag sa NAIA Terminal 1 noong Pebrero 4, 5, 11 at 12 na pawang may bitbit na milyon-milyong dolyar.

Sa kabuuan, may $28 milyon ang bitbit ng walo na lahat ay nagsabing ila­laro nila ang pera sa casino.

Sabi ni Gordon, ang tatlo sa kanila, sabay-sabay na dumating sa isang araw at ang kabuuang halaga ng bitbit nilang tatlo ay $13 milyon na pawang nasa luggage.

Katulad din aniya ito ng may 60 Chinese national na magkakahiwalay na nagpasok ng higit $180 milyon sa bansa mula noong Disyembre 2019 hanggang nitong Pebrero. (Dindo Matining)

Source From:https://www.abante.com.ph/ilang-chinese-pinangalan-sa-patay-na-pinoy.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi