Ilang opisyal itinutulak ang pagpapalawig sa Luzon lockdown

3 years ago 0 Comments
Inaalam ng barangay officials sa Mandaluyong City kung sino ang mga dapat mabigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan noong Abril 2, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Isang linggo bago matapos sa Abril 12 ang enhanced community quarantine sa Luzon, ilang opisyal ng gobyerno ang nagpahayag na palawigin ito. 

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kung siya ang tatanungin ay dapat i-extend ang lockdown hanggang masigurong pababa na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. 

"As far as I am concerned, I think it’s better to continue the lockdown until we have flattened the curve so we will not have any relapse," ani Año, na kasalukuyang naka-quarantine matapos mahawahan ng virus. 

Sabi ni Año, kung walang lockdown ay posibleng pumalo ito sa 20,000 batay sa projection ng mga eksperto. 

"If we did not do the lockdown, the projection would be about 20,000 plus by now," giit ni Año.

Pabor din si Vice President Leni Robredo na pahabain pa ang Luzon lockdown.

"Sang-ayon ako dahil 'yung nakikita nating projections, makakabuti para i-flatten yung curve kung hahabaan pa ito," ani Robredo.

Pero kasabay nito, dapat ay tuloy-tuloy din ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno.

"Maglagay na lang ng maraming safety nets para naiiwasan yung kinatatakutang korapsyon. Para sa'kin, yung transparency and accountability measures, i-enhance pero dapat itiwala sa local government units kasi ang vital dito, may mga kababayan tayo na nangangailangan, na may kakainan sila araw-araw," sabi ni Robredo.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health, 3,246 na ang dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi din ng DOH na masyado pang maaga para matukoy kung epektibo ang lockdown sa pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19. 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/04/05/20/ilang-opisyal-itinutulak-ang-pagpapalawig-sa-luzon-lockdown

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi