Imee isinuka ng pinsan

4 years ago 0 Comments

Inilaglag ng isang regional party-list si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa listahan ng mga susuportahan nilang kandidato sa pagka-senador sa May 13 midterm elections.

Noong nakaraang linggo ay ipinost online ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez ang listahan ng mga kandidatong susuportahan ng Tingog Sinirangan, pero hindi kabilang dito si Marcos.

Si Yedda, first nominee ng nasabing party-list, ay asawa ni Ferdinand Martin Romualdez na tatakbong congressman ng Leyte at pinsan mismo ni Imee.
Sa ginawang pangangampanya sa Tacloban City, hindi sinamahan ng mag-asawa sa pag-iikot sa lungsod si Imee.

Aminado si Imee na hindi maganda ang samahan nilang magpinsan, pero may paliwanag ito kung bakit hindi siya sinamahan sa pangangampanya.

“He is just out of town,” katuwiran ng anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Itinanggi naman ni Imee na sinusuportahan niya ang kalaban ng Tingog Sinirangan na An Waray party­list.

Iwas-pusoy naman si Imee nang tanungin sa isang press conference tungkol sa desisyon ng US judge na i-award ang karagdagang $10M para sa mga human rights victims noong rehimeng Marcos.

“Siguro kailangan mga lawyers sumagot niyan,” rason ni Imee.

Source From:https://www.abante.com.ph/imee-isinuka-ng-pinsan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi