Imee sinisi ni Sara sa pagdami ng kaaway

3 years ago 0 Comments

NADAGDAGAN ang mga kaaway sa politika ni Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa pagtatanggol kay administration senatorial­ bet at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Sa proclamation rally ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Calamba City, Laguna nitong Linggo nang hapon, Marso 10, nagpa­kawala ng masasakit na biro si Ma­yor Sara sa anak ng yumaong dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
“Unahin ko na ‘to. Dumadami ang kaaway ko dahil sa ‘yo!” biro ni Duterte kay Marcos habang i-introduce ito sa audience.

Unang ipinagmalaki ni Marcos na nakapagtapos siya sa Princeton University sa Estados Unidos at sa University of the Philippines College of Law, pero pareho itong itinanggi ng pamunuan ng dalawang unibersidad.

Tumanggi naman si Marcos na magkomento kaya’t si Duterte ang pinagbalingan ng media tungkol sa pagsisinungaling ng una dahil sa mga pekeng credential.

Ayon sa Davao City mayor, hindi na dapat gawing isyu ang honesty sa halalan dahil lahat naman ng kandidato ay mga sinungaling.

Dahil dito ay pumalag ang mga kandidato ng Otso Diretso at si Vice President Leni Robredo at binatikos si Duterte kaya’t gumanti din ang alkalde.

Pero nitong Linggo, isiniwalat ni Duterte na pinagsabihan daw siya ng kanyang inang si Elizabeth Zimmerman na tigilan na ang pambubully sa mga miyembro ng oposisyon.

Source From:https://www.abante.com.ph/imee-sinisi-ni-sara-sa-pagdami-ng-kaaway.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi