Ina gustong ipasa sa anak ang korona

3 years ago 0 Comments

Unti-unti na ngang ipinakikilala ni Ina Raymundo ang kanyang panganay sa madlang pipol. Sa nakaraang premiere sho­wing ng “Kuya Wes” na pinagbibidahan nila ni Ogie Alcasid, isinama ni Ina ang anak.

Hindi pa nagkasya ang sexy actress dahil ipinoste pa niya ang close up shot ng anak sa kanyang Instagram. Sa post ni Ina ng photo ni Erika, ipinagmalaki niya ang kagandahan nito.

“Isn’t she lovely @erikarae.p, #thatsmyfirstborn #ErikaRaeP,” sabi pa ni Ina.

Hindi kataka-takang pasukin ng dalaga ang showbiz lalo at ngayon pa lang ay full support na ang kanyang ina kung sakaling mag-artista siya. Nabanggit nga ni Ina noong katsikahan namin siya na pangarap niyang ipasa sa anak ang title niyang “Sabado Nights Girl.”

Source From:https://www.abante.com.ph/ina-gustong-ipasa-sa-anak-ang-korona.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi