Ina Raymundo nagluluksa

3 years ago 0 Comments

Sa Instagram post na lang ipinagluksa ni Ina Raymundo ang pagkamatay ng kanyang mother-in-law, na si Mrs. Diane Poturnak.

Dahil nasa ibang bansa ang kanyang biyenan at hindi nila mapuntahan ang lamay ng mga ito dahil sa COVID-19, binigyan na lang ng tribute ni Ina ang matanda sa kanyang Instagram post.

Inipon ni Ina ang lahat ng mga video ng kanyang mother-in-law at pati na ang mga throwback photo and video nila para ibahagi sa kanilang mga supporter ang mga masasayang mga araw na pagsasama nila ng biyenan at ng mga apo nito.

Ganito rin ang post ng anak ni Ina na si Erika Rae sa IG wall niya, ng mga larawan nilang kanyang lola. Hindi na binanggit pa ni Ina kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang biyenan.

Maraming gaya ni Ina at ng pamilya niya ang hindi magawang puntahan ang kanilang mga yumao dahil sa crisis.

Nagbabawal ang sitwasyon na muling makita at makasama ang kanilang mga yumao sa huling sandali dahil walang international flight, ipinagbabawal ng gobyerno ang mga in-bound visitors sa kanilang bansa at iba pang dulot ng pandemya. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/ina-raymundo-nagluluksa.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi