Inaming espesyal! Kris ‘pinatira’ ni Willie

3 years ago 0 Comments

Kinilig ang mga fan sa nakitang Instagram post ni Kris Aquino kahapon na kasama si Willie ­Revillame. Sa kuwento ni Kris, dahil sa Boracay nga sila inabutan ng community quarantine, handa naman daw sana sila ng mga anak na sina Joshua at Bimby na mag-stay roon.

Pero, dahil marami raw silang kailangang prescription, at mga gamot na rin, kaya medyo mahirap para sa kanila ang mag-stay sa Bora.

Heto ang chika ni Kris:

“I’ll try to make this short, TRY— for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma.

“A kindhearted, ge­nerous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt ­Elmer) & ngayon kinukupkop kami. Bakit di po kami dumirechong umuwi? Wrong ti­ming kasi ako, nagpa-renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week.

“If you want a tour of Willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag-request here, I’ll show him— na SHY na ko.

“I included shots of how beautiful our country is, para maalala na­ting mag TULU­NGAN sa gitna ng pagsubok, magsuporta­han, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan.”

Makikita nga sa post ni Kris na kasama niya sa yate si Willie, at masaya nga silang nagkukuwentuhan. Kaaliw lang ang mga tanong ni Kris kay Willie.

Pero siyempre, big­lang nabuhay uli ang hiling ng mga fan na sana ay sina Willie at Kris na lang ang magkatuluyan. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/inaming-espesyal-kris-pinatira-ni-willie.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi