Ion umiyak kay Vice Ganda

3 years ago 0 Comments

Makikita sa Instagram story, video ni Vice Ganda si Ion Perez na nagpupunas ng mga luha. Yes, iyak nang iyak ang binata sa harap ng jowa niyang si Vice.

“Umiiyak ka! Bakit ka umiiyak? Ayan, umiiyak siya! Hahahaha!” sabi ni Vice na pinagtatawanan nga ang jowa niya.

Siyempre, todo tanggi naman si Ion, pero kitang-kita naman na panay ang punas niya ng kanyang mga luha.

“Hindi ako umiiyak! Hindi nga!” depensa pa nito, na panay naman ang punas ng mga luha.

So, bakit nga umiiyak si Ion? Nag-away ba sila ni Vice? Maghihiwalay na ba sila? O nahuli ba niya si Vice na may ibang kasamang lalaki?

Well, wala sa mga nabanggit na chika ang rason. Ang totoo, naiyak si Ion habang nanonood siya ng kinaba­baliwang Korean drama ngayon, ang ‘Crash Landing On You’.

Yes, join na nga sina Vice at Ion sa mga artistang baliw na baliw sa ‘CLOY’. Kaloka, ‘di ba? May mga moment pala na nakakaiyak sa Korean drama na iyon.

Ako na lang yata ang hindi pa nakapapanood­ nito, ha! (Dondon ­Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/ion-umiyak-kay-vice-ganda.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi