Iron Mike balik-boxing

3 years ago 0 Comments

BUKAS pa sa isipan ni fomer undisputed heavyweight world boxing champion Michael Gerard ‘Mike’ Tyson na makipagbasagan ng mukha kung para sa charity o kawanggawa.

Ayon kay 53-anyos, may tass na 5-9 na American ex-pro fighter Tyson, todo ngayon siya sa pag-eensayo upang maging fit na fit uli sa sapakan sa ibabaw ng ring.

“I’ve been working out, I’ve been trying to get in the ring, I think I’m going to box some exhibitions and get in shape,” pag-amin ni Mike.

Hirit ng boksingero: “I’ve been hitting the mitts for the last week. That’s been tough, my body is really jacked up and really sore from hitting the mitts.”

Dagdag pa niya, bukod sa todo suntok ng mitts, nagba-bike at natakbo sa treadmill siya upang maging swak pati ang kanyang cardio.

“I do two hours on cardio, I do the bike and the treadmill for an hour, then I do some light weights, 300, 250 reps,” aniya.

Sa sobra namang pagod sa dibdibang ensayo, feeling niya ngayong tilabugbog sarado siya.

“I’m in pain, I feel like three guys kicked the s**t out of me.”

Taong 2005 nang mag-retiro si Tyson sa boxing makaraan ang magkasunod na talo sa mga kababayan niyang sina Danny Williams at Kevin McBride na nagbigay sa kanya ng 50 wins (44 knockouts), 6 losses at 2 draws. (Aivan Denzel Episcope)

Source From:https://www.abante.com.ph/iron-mike-balik-boxing.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi