IRR ng Rice Tariffication Law pirmado na

4 years ago 0 Comments

MAAARI nang ipatupad ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Rice Tariffication Law matapos itong pirmahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ayon sa NEDA, kabilang sa IRRC ang mga panuntunan hinggil sa kapangyarihan ng Pa­ngulo at mga safeguard sa panahon ng emergency katulad ng mga pagbabago sa domestic price ng bigas.

Nakasaad din sa IRR ang mga panuntunan para sa reorganisasyon ng National Food Authority (NFA) na siyang magsisilbing tagapamahala ng buffer stock ng bansa.

Itatatag din ang Rice Competitiveness Enhancement Fund at ang panuntunan kung paano ililipat sa mga implementing agency ang P10 bilyong pondo mula sa national budget.

Base pa sa IRR, lahat ng ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Plant Industry (BPI) ay hindi na kailangan ng NFA permit, license o regis­tration to trade and import ng bigas.

Ang tanging requirement para makapag-import at magbenta ng bigas ay sanitary at phytosanitary import clea­rance mula sa BPI.

Source From:https://www.abante.com.ph/irr-ng-rice-tariffication-law-pirmado-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi