Isko-Erap camp amoy-away

4 years ago 0 Comments

Ni: Juliet de Loza-Cudia

NANGANGAMOY away ang kampo ni dating Manila mayor Joseph Estrada at Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno matapos almahan ni Secretary to the Mayor Bernie Ang ang naging pahayag ni dating city administrator Jojo Alcovendaz.

Sa pahayag ni Alcovendaz, sinabi nito na hindi tinanggap sa tanggapan ni Ang ang mga itini-turn over nilang dokumento kaya dinala nila ito sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ipinaliwanag ni Ang na napagkasunduan ng transition team ni Moreno at Erap na pormal na iti-turn over ang lahat ng dokumento noong Hunyo 28, alas-10:30 nang umaga sa VIP lounge ng Quirino Grandstand sa harap ng mga kinatawan ng Commission on Audit (COA) at DILG.

Gayunman ay inis­nab ng transition team ni Estrada ang turn-over.

Ayon kay Ang, base sa pahayag ng isang babaeng staff sa kanyang tanggapan, isang babae umano ang dumating at sinabing ipinadala siya ni Alcovendaz alas-5:30 nang hapon noong Hunyo 28.

Pinare-recieve umano ng babae ang dokumento pero tinanggihan ito dahil tapos na ang office hour at hindi siya awtorisado na tumanggap ng dokumento at dapat na itinurn-over sa transition team ni Moreno.

“These documents need to be explained fully by the Estrada team during the turnover and the Moreno team on the other hand, may scrutinize them. These documents are not like ordinary letters that anyone can receive anytime,” ayon kay Ang.

Source From:https://www.abante.com.ph/isko-erap-camp-amoy-away.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi