Ivana Alawi gustong ipa-‘Tulfo’ ng mga fan

3 years ago 0 Comments

Finally, pinatulan na ni Ivana Alawi ang mga basher, fan niya sa social media, lalo na sa YouTube. Sa latest YT post nga ng PPL (talent management na humahawak sa career ni Ivana), binasa nga niya ang lahat ng mga mensahe ng mga fan sa kanya.

“Binabasa ko ang mga memes niyo sa akin, mga comments niyo sa akin. Ang iba, lagi akong sinisisi, kasi nila-like raw ng mga boyfriend nila ang photos ko, tapos sa kanila hindi.

“Nakakaloka nga, na ang iba ay gusto akong isumbong kay Raffy Tulfo, dahil sa mas palagi raw chini-check ng mister nila ang photo ko, kesa mga photo nila.

“Feeling ko, gusto talaga niya akong ipa-Tulfo. Idol ko si Tulfo.

Willing akong magpunta roon. Pero, dapat ang mister mo ang sisihin mo, kasi siya ang may kasalanan, hindi ako. At dapat kasi, ka­yong mga mister, una niyong i-like ang picture ng misis niyo, bago ang picture ko,” bungad na chika ni Ivana.

Kaaliw rin ang mensahe sa kanya ng isang sikat na personalidad sa socmed, si Senyora Santibañez.

“Ito galing kay Sen­yora Santibañez. ‘Dami mong sinasabi, Ivana, basta pag ako ang nag-bikini mag-goodbye ka na sa career mo.’ Grabe siya, ha! Sobrang nakakatakot ka naman. Nakakakilabot ka Senora.

“Pero puwede naman kitang padalhan ng swimsuit, para twinning tayo. Hahahaha!” sagot ni Ivana kay Senyora Santibañez.

Heto pa ang isang mensahe kay Ivana:

“Kapag ito pinusuan ng dyowa ko, maghihiwalay muna kami. Ano ba ‘yan? Hiwalay agad. Dapat maging confident kayo sa sarili niyo. Dapat attitude niyo, si Ivana lang ‘yan, no! Fight kayo!”

Anyway, sa dulo ng video, ipinakita ni Ivana kung bakit parang ang laki-lagi ng boobs niya. Tinanggal nga niya ang bra na suot niya, para ibigay sa fan.

“Ayan, nag-flat na ang boobs ko. Alam niyo na ang sikreto. Ayan nawala na ang suso ko.

“So, ibibigay ko sa inyo ang bra ko. Puwe­de niyo siyang ibigay sa dyowa niyo, o kay Senora, o kahit kanino na gusto ng bra.

“Kung gusto niyo siyang mapanalunan, kailangan niyo lang mag-comment ng #IvanaAkinNaYangBraMo. At pipili ako sa kung kanino ko ibibigay ang bra ko.

“Salamat nga pala sa mga basher. At ‘wag kayong mag-alala dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagiging hubadera ko. Hindi niyo ako mapipi­gilan. Hahaha!” natata­wang sabi na lang ni Ivana.

Well… (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/ivana-alawi-gustong-ipa-tulfo-ng-mga-fan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi