Ivana Alawi nakalulula ang mansion, kotse sa Bahrain

3 years ago 0 Comments

Ibang klase talaga ang lakas ng Kapamilya sexy star na si ­Ivana Alawi. Nag-upload ito ng bagong video niya sa kanyang YouTube account.

Aba, isang araw lang pagka-upload niya, meron na ito agad 4.5 million views! Ganoon kalakas si Ivana as YouTuber na merong mahigit apat na mil­yong subscriber simula nang maging regular siyang nag-a-update may limang buwan pa lang ang nakararaan.

For the first time kasi, ipinakita ni Ivana sa pamamagitan ng kanyang YouTube ang ipina-­renovate niyang bahay sa Bahrain.

Mansion ang bahay ni Ivana na minana pa niya sa kanyang Moroccan father.

Ayon kay Ivana, excited daw siya sa video niya dahil maipapakita niya ang kanyang childhood house. Kunsaan siya naglaro, nagwawala, sey niya.

Pina-renovate nga ito ni Ivana nang mamatay na ang ama at ipamana sa kanya ang lahat ng kayama­nan. Pinoy rin ang kinuhang designer ni Ivana para mag-ayos ng bahay niya sa Bahrain habang nasa Pilipinas siya.

Kapansin-pansin din ang nakaparadang sasakyan sa labas, isang luxury sports car na pag-aari ng sexy actress at siyempre, nagagamit lang nito kapag nasa Bahrain. Eh, in reality, naka-base naman talaga siya rito sa Pilipinas.

Ang mansion niya ay may apat na room sa second floor at tatlo sa baba.
Bilang memory siguro ng ama, hindi na raw niya ginalaw ang room ng daddy niya na forever nandoon lang, although, hindi na niya nilagyan ng toilet at walk-in closet dahil wala naman daw gagamit.

Mahilig daw siya sa chandelier kahit na may pagka-old style kaya imported pa from Dubai at Italy. Ang comfort room ni Ivana ay made of marble lahat. Mahilig din daw siya sa marble at inisip daw niyang ipa-marble ang ­buong buhay, pero sobrang ­mahal na raw.

Maraming kuwento si Ivana sa kinalakihang bahay, pati ang bayolenteng pag-aaway raw ng mommy at daddy niya at ipinakita pa nito ang bintana kunsaan, tumatalon ang ama kapag nag-aaway silang mag-asawa.

Lumaki sa Bahrain si Ivana pero very liberated ang utak. Siya mismo ang may gusto ng image niya na grabeng kaseksihan at palaban kaya nga mukhang excited na ang Dreamscape sa bago niyang serye, ang “Ang Lihim ni Ligaya” na siya na ang bida. (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/ivana-alawi-nakalulula-ang-mansion-kotse-sa-bahrain.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi