Ivana inagawan ng ‘Ligaya’ si Maja

3 years ago 0 Comments

Sa aktibidades ni Maja Salvador sa kanyang Twitter kamakailan, ang #AskMaja, may netizen na nagtanong kung ano ang pakiramdam niya na naagawan siya ng proyekto ng bagong pantasya ng mga kalalakihan na si Ivana Alawi.

“Anong say mo at si Ivana Alawi na ang gaganap bilang si Ligaya na unang in-offer sa’yo?” tanong ng Twitter account owner na si @emeywai31.

“Ang pagkakaalam ko hindi po ‘yun ‘yung dapat na gagawin ko. Iba ang title niya eh. ‘Yung #Ligaya code name lang noon,” sagot naman ni Maja.

Pero siyempre, may mga hindi naniwala, at mas pinili nilang isipin na naagawan talaga ng proyekto ni Ivana si Maja. At sa panahon nga raw kasi ngayon, mas bagay raw talaga kay Ivana ang tawaging Ligaya.

Teka lang, si Rosanna Roces ang natatandaan kong may-ari ng pangalan na Ligaya, ‘di ba? ‘Yun nga ay sa pelikulang “Ligaya ang Itawag Mo sa Akin”, na nakasama nga niya sa pelikula si John Arcilla.

Well, sa husay umarte ni Maja, at sa taas ng rating ng mga teleserye na ginagawa niya, kahit ano pang project ang ibigay mo sa kanya, sure naman na kakagatin ng mga manonood.

Jake suportado ang Maine-Arjo relasyon

Nilinaw ni Jake Ejercito na never siyang nanligaw kay Maine Mendoza, na ang mga tao, mga fan, lang naman ang nag-assume na may something sa kanila noon.

Eh, sa totoo lang daw, magkaibigan lang naman talaga sila. Kaya ngayong may Arjo Atayde na si Maine, isa raw siya sa pinakamaligaya.

“I’m happy for her. I mean, kitang-kita mo naman, sa online, na happy siya. And I’m very happy na you know, she got to, I mean, nailabas niya sa public na she’s in a relationship.

“And I’m happy for the both of them. Si Ria Atayde kasi friend ko rin. I’m happy for the both of them. They deserve it naman na maging masaya,” sabi ni Jake.

Si Jake raw ngayon ay matagal na ring walang dyowa. At mukhang wala pa rin siyang balak na manligaw.

Ngayong artista na nga raw siya, dahil kasama nga siya sa pelikulang “Coming Home” na pinagbibidahan nina former Sen. Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez, madadalas nga siguro ang pagharap niya sa showbiz press.

At kung magkakadyowa naman daw siya, hindi niya itatago, at ilalantad din niya. Pero sa ngayon, mas type niya, kung sakali, ang non-showbiz, para hindi raw masyadong maintriga.

Source From:https://www.abante.com.ph/ivana-inagawan-ng-ligaya-si-maja.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi