Ivana ipina-‘Tulfo’, todo iyak

3 years ago 0 Comments

Pinag-usapan sa social media ang pangpa-prank ni Raffy Tulfo kay Ivana Alawi. Ipinalabas ito nitong May 12 sa YouTube channel na Raffy Tulfo in Action.

Napaiyak ni Tulfo si Alawi dahil sa parang makatotohanan na prank ng broadcaster.

Bago ang prank ay nag-rehearsal muna si Tulfo at mga kasabwat niya.

Kunyari ay nagreklamo kay Tulfo ang isang kasabwat na si Loida Rivera, na nabigyan ng bulok na relief goods ni Ivana.

Maging ang nanay ni Ivana ay kinuhang kasabwat ni Tulfo.

Hinangaan naman si Ivana dahil sa pananatili niyang kalmado sa sitwasyon.

Umabot pa nga si Ivana sa puntong willing syang magbigay ng datung sa kung sino man ang nagrereklamo. Pero, napaiyak nga siya habang nagbibigay ng mensahe na ang hangarin lang naman niya ay tumulong, pero ganito pa ang nangyari.

Sa huli, nagulat si Ivana at napatili nang sabihin na ni Tuflo na prank lang ang lahat. (IS)

Source From:https://www.abante.com.ph/ivana-ipina-tulfo-todo-iyak.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi