James binibenta ang mga regalo ni Nadine

3 years ago 0 Comments

Agad-agad na binigyan ng kahulugan ng mga hater ni James Reid ang pinost nilang magkapatid na si Lauren Reid, na magbebenta sila ng mga pre-loved things nila. Makikita nga sa Instagram nila ang kahon-kahon na gamit nilang magkapatid, ha!

Hindi ako sure kung may mga gamit din si Nadine Lustre roon.

“Hey you! Want mga things? Great! We’ve got mga things! We’ve both accumulated way too much over the years and are doing a closet purge. If you want to cop some goodies, head over to @motherwolf0211 next week to buy some pre-loved and many unworn items online via the Instagram page @motherwolf0211,” sabi ni Lauren.

Ang malisyosong chika ng iba, kesyo mga regalo raw ni Nadine ‘yon kay James, na ibinebenta na ng binata.

Pero siyempre, giit ng mga supporter ni James, mga gamit talaga ‘yon ng magkapatid na hindi na nagagamit. At jackpot nga ang mga gustong bumili, dahil bukod sa mararanasan nilang gamitin ang mga sapatos na sinuot ni James, masasabi pang sobrang mura na ng mga ‘yon. May sapatos si James na super mamahalin talaga na ibinebenta lang niya sa halagang P30K. So, kung super fan ka talaga ni James, buy mo na ang mga ‘yon, ha!

Well…

Source From:https://www.abante.com.ph/james-binibenta-ang-mga-regalo-ni-nadine.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi