James pinipilit pakasalan si Nadine

4 years ago 0 Comments

Nagmahal. Nagbakasyon. Na-engage!

‘Yan ang munting pasabog ngayon sa public figure o singer na si Eri­cka Villongco na dating girlfriend ni James Reid. Well, finally, engaged na siya sa kaniyang hot foreign boyfriend.

Sa Instagram story ng singer, hindi talaga inaasahan ang proposal ng kanyang boyfriend dahil sa pagkakasunod-sunod ng kanyang story, tila nag-iimpake sa una ang kanyang boyfriend tapos sa mga sumunod na story naman ay nasa kotse na sila at nagda-drive nga ang boyfriend ni Ericka papunta kung saan man sila dadayo. 

Bago naman matapos ang kanyang IG story, bigla nga may pasabog na “I said YES!,” suot ang kumikinang na engagement ring with the background ng beach. Aba, perfect and ideal place naman talaga kung iimadyinin mo!

Mas nakaka-ideal pa dahil hindi lang basta beach na kung saan-saan lang, parang exclusive pa sa Hawaii ang kanilang lokasyon na talagang nakadagdag ng kilig vibes!

Kilig to the bones talaga ang mga fan, pero una nang bumati ang mga kapwa niya artista na sina Chienna Filomeno, Moira Dela Torre at marami pang iba.

Samantala, ang iba naman ay curious umano kung ano kaya ang magiging reaksyon dito ni James, mape-pressure kaya siya? Mag-propose na rin kaya ang aktor kay Nadine?

Source From:https://www.abante.com.ph/james-pinipilit-pakasalan-si-nadine.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi