James Reid ka-level nina Vanness Wu, Jeremy Lin

3 years ago 0 Comments

Ang bongga ni James Reid, ha! Hindi niya kailangang sumawsaw sa politika, o tumalak sa mga kaganapan sa paligid, para maging number one trending (May 19).

Well, nag-trending nga si James dahil sa kanyang talent.

Kasi nga makakasama si James Reid ng mga sikat na personalidad sa iba’t ibang panig ng mundo, para sa 8 oras na fundraising na itutulong sa mga biktima ng COVID-19.

Imagine, magpi-perform si James kahilera nina poet Rupi Kaur, comedian Ronny Chieng, former F4 member Vanness Wu, NBA star Jeremy Lin, YouTubers Wong Fu, “Fast and Furious” actor Sung Kang, Phum Viphurit at marami pang iba.

Ang #OurIdentity: Project Blue Marble ay fundraising stream for COVID-19 relief.

Katuwang ang Amazon Music, Far East Movement, ang Los Angeles-based collective Transparent Arts ang maghu-host ng benefit show na ito, na pagsasama-samahan nga ng mga “Asian artists and leaders”.

Mapapanood din dito ang performances ng Dumbfounded, Yuna, Raja Kumari, Jay Park and H1GHR Music, P-Lo, Shawn Wasabi, Yultron, MILCK, Raisa, ØZI, Maliibu Miitch at marami pang iba.

“It’s been inspiring to witness the strength of the human spirit through these tough times. Project Blue Marble is the result of our community’s togetherness, our passion to help and our need to be heard,” sabi ni Kev Nish, isa sa mga organizer nito.

Magaganap ang Project Blue Marble sa May 30, 2 p.m. (5 a.m. Philippine time, May 31).

Well, break a leg, James!

Alden Richards tumulong sa Paco Catholic School

Tuloy-tuloy pa rin si Alden Richards sa pagbibigay ng tulong sa kanyang mga kababayan na higit na apektado ng health crisis sa bansa. Ang mga street dweller na naninirahan sa Paco Catholic School at Don Bosco Makati naman ang kanyang tinulungan.

Malapit sa puso ni Alden ang Paco Catholic School dahil dito siya nag-aral noong high school.

Agad namang nagpasalamat ang kanyang mga natulungan sa isang video message na pinost sa kanilang Facebook page; “Thank you to our former student Richard Faulkerson, aka Alden Richards for your assistance… please click to watch the videos.”

Maging ang mga taga-Don Bosco Makati ay nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Alden sa mensahe na pinadala ni Fr. Favie Faldas;

“Kaya Alden [Richards] malaki ang papasalamat namin sa iyo. Idol ka namin, ‘di lang sa panonood ng TV pati rin sa iyong kagandahang puso.”

Sharon pinakilig si Gabbi

Pinakilig ni Sharon Cuneta si Gabbi Garcia, na katunog ng pangalan ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion.

Sa photo kasi na pinost ni Gabbi mula sa kanyang mga magazine photoshoot kung saan napapaligiran siya ng electric fan, nagkomento nga si Sharon na; “I think you are one of the most beautiful.”

At dahil doon ay kilig na kilig na nag-reply si Gabbi na; “Omg Hi Ms. @reallysharoncuneta! I’m so kilig! Thank you po, stay safe always! My parents and I just re-watched “Caregiver” last night.”

Source From:https://www.abante.com.ph/james-reid-ka-level-nina-vann1ess-wu-jeremy-lin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi