Janine palaban kay Duque

3 years ago 0 Comments

Nagiging target na rin talaga si Janine Gutierrez ng mga basher o yung salungat sa kanya ang paniniwala at sinusuportahan.

Isa si Janine sa nagpahayag nang hindi pagtanggap sa naging pahayag ni Health Secretary Francisco Duque na ang nararanasan natin ngayon in-terms of COVID-19 ay second wave na.

Nag-tweet si Janine na; “Did you even stop the first wave though sis.”

Hayun, kung ano-ano ang pamba-bash ang natanggap niya, na may nag-comment pa na, “Just go live in Taiwan. They did stop the first wave.” Pero marami rin naman ang katulad ni Janine na nagtataka.

At dahil sa sitwasyon nga na patuloy pa rin ang pagtaas ng mga confirmed cases, aminado si Janine na may takot talaga siya na mag-shoot muli.

Marami rin naapektuhan na trabaho kay Janine dahil sa ecq. Kabilang na rito ang sana ay pang-Metro Manila Summer Film Festival na “Ngayon Kaya” kunsaan, kasama niya si Paolo Avelino.

Ilang movies din niya ang naapektuhan na isasali sa International Film Festival. Gayundin ang mga na-cancel na trips daw niya sa Japan at Bangkok. Pero para kay Janine, sa panahong ito, ang mas mahalaga naman daw talaga ay ang kalusugan o ang buhay ng tao.

Sey niya, “Cases are still rising ‘di ba? So parang mahirap talaga mag-shoot eh. We don’t know yet kung anong magiging precautions ng network or ng mga production companies.”

Pero balita namin, tulad sa Kapuso network, inaayos na yata ang mga guidelines para mag-resume na nga ang mga tapings sa “new normal” situation. (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/janine-palaban-kay-duque.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi