Janine, Ria, Mimiyuuuh sumigaw ng hustisya para kay Jzan vs…

3 years ago 0 Comments

Kaloka lang, na sa kabila ng problema sa COVID-19 ng buong mundo, heto at may sumingit na kuwento sa social media na pinagkaguluhan ng mga netizen ngayon.

Ito nga `yung kuwento nina Sam Morales, Tzan Jero, Bilko Argana.

Biglang-bigla binulabog nga nila ang Twitter world dahil sa nakakabahalang kuwento na pasadong-pasado sa pelikula, o Magpakailanman, o Maalaala Mo Kaya.

Na kung paano na ang isang transwoman ay nabiktima umano ng isang babae, at nagamit, o kasabwat pa ang isang lalaki na si Bilko?

Mahaba ang kuwento, na dapat mong himay-himayin. Pero ang bottom line, may naganap na lokohan sa pagitan ng isang transwoman at ng isang babae, at involved nga ang isang lalaki (bagamat sinasabi ni Bilko na biktima rin siya).

Anyway, kaloka lang na pati ang mga taga-showbiz ay naapektuhan na rin dito. Kanya-kanyang opinion nga ang mga artista.

Heto ang kanilang mga chika:

“Hustisya para sa Pilipinas at kay Jzan!” sabi ni Janine Gutierrez.

“What the actual f. Sorry you had to go through this, Jzan. No one deserves this kind of treatment!” sabi naman ni Ria Atayde.

“Jzan, I’m very sorry you had to go through this. It’s heartbreaking to know how easy it is for some people to manipulate & abuse trans women- such fragile yet so loving community. Sis, do us a favor… please still believe in love. Yakap.🌈❤️ Trans sisters, let’s protect one other,” sambit naman ni Kaladkaren.

“Already reposted! I feel so bad for Jzan after reading it! I dont know Sam Morales but out of fairness i’m waiting for her side before I say anything more. Please dont get it wrong, I meant yung ginawa ni Sam and her accomplices, yun ang true crime level ng pagka fucked up. Pure evil. As i said, no one deserves to be treated like that, my heart goes out to Jzan!” pahayag n aman ni BJ Pascual, isang sikat na photographer.

“Just finished reading the entire thread, galit na galit ako. The emotional manipulation is a whole new level, and what happened to Jzan should be counted as rape!!!! Sam Morales should pay for this!” saad naman ng influencer/aktor na si Benedict Cua.

“Damn I’m so ready for Jzan’s #glowup!” hirit naman ni Ivan Dosrchner.

“Hello po sa mga kaibigan natin sa fashion industry. Hindi niyo deserve ang isang Sam Morales. You are all working hard tapos babahiran lang ng kadumihan ng isang babaeng ito. DON’T HIRE SAM MORALES!!! LET HER SUFFER!!!! JZAN DESERVE BETTER!!! LET’S PROTECT OUR TRANS FAMILY!!!” panawagan naman ng sikat na vlogger, influencer na si Mimiyuuuh.

Siyempre, sangkatutak din ang komento ng mga netizen, na karamihan ay kampi kay Jzan, at muhing-muhi kina Sam at Bilko.

Well, pansamantala nga ay nakalimutan ng mga tao ang banta ng virus sa buhay, at mas pinili nilang magpuyat, magbigay ng opinion sa kuwentong ito.

Source From:https://www.abante.com.ph/janine-ria-mimiyuuuh-sumigaw-ng-hustisya-para-kay-jzan-vs-sam-bilko9.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi