Janine Tugonon umeksena kina Smith, Bieber

3 years ago 0 Comments

Ang daming nagulat sa mga photo ni Jaden Smith (anak ni Will Smith) na pinost ni Justin Bieber sa kanyang Instagram. Kasi naman, parang ang payat-payat ng bagets, at kung ­ano-ano tuloy ang inakusa nila rito.

Hindi ako sure kung shooting ng music video ‘yon, dahil tipong super emote, perform galore si Jaden sa itsura niya. At siyempre, ang pananamit niya, na super hip-hop nga, na nakababa ang ­maluwag na pants, at labas na ang boxer shorts, at brief na rin.

Punong-puno rin ng bling-bling ang leeg niya, at may kulay rin ang kanyang skin head style na buhok.

Pero, hindi si Jaden, o si Bieber ang kuwento rito siyempre. ­Kundi ang pamilyar na mukha na kasama ni Jaden sa naturang photo na pinost ni Bieber.

Aba, si Janine Tugonon lang naman kasi ang isa sa mga kasama sa photo, ha! At mukhang sumasayaw, super emote rin kasi ang beauty queen.
Siyempre, biglang nakaramdam ng inggit ang mga fan niyang ­Pinoy, dahil oo nga naman, para makasama ka sa ­Instagram wall ni Bieber, at music video ni Jaden, wow as in wow na ‘yon, ha!

Matagal na ngang naka-base sa America si Janine, at isa nga ­siyang modelo, na madalas ­rumampa sa mga sikat na designer.

Well, hindi man niya nasungkit ang korona ng Miss Universe (first ­runner up siya), bongga naman ang eksena niya sa US. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/janine-tugonon-umeksena-kina-smith-bieber.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi