Jerald Napoles nasa ‘Ang Probinsyano’ na

3 years ago 0 Comments

Kumalas na nga si Jerald Napoles sa GMA-7 at lumipat na sa ABS-CBN. Kabilang si Jerald kina Ara Mina, Tirso Cruz III at Rhen Escaño sa mga bagong karakter na ipapakilala sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Naka-post sa Instagram ni Ara Mina ang photo nilang apat na kuha sa taping ng serye. Sa caption, ibinalita ni Ara na sila ang bagong pamilyang mapapanood sa naturang serye bilang “Padua Family”.

Ilang taon ding naging artista ng GMA-7 si Jerald at naging bahagi pa ito ng dating Sunday variety show ng network. Ang kasintahan ni Jerald ay si Kim Molina, na cast ng “Kadenang Ginto” na pinagbibidahan nina Dimples Romana at Beauty Gonzales.

Ang Viva Artist Agency na ang nagma-manage sa career ni Jerald ngayon. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/jerald-napoles-nasa-ang-probinsyano-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi