Jessy pumogi, pantasya ng mga bebot

4 years ago 0 Comments

Malamig na ang panahon ngayon pero tila init na init pa rin ang katawan ni Jessy Mendiola.

Although hindi naman siya nag-post ng bikini picture pero “hot” pa rin ngang tignan si Jessy sa kanyang new look.

Nagpagupit at nagpakulay nga ng buhok si Jessy, at ngayon ay mas pinaiksi pa niya, at humakot ng maraming reaksyon mula sa mga fan at kahit sa kanyang mga kapwa sikat na personalidad.

Nanguna na nga na magbigay ng reaksyon ang kaibigang si Iza Calzado. “OMG yaaasss!!” comment ni Iza.

Napansin naman ng mga fan na natuwa ang aktres sa pag-lalaro ng iba’t ibang style sa kanyang buhok at kahit ano ngang eksperimento na gawin nito sa kanyang buhok ay swak na swak pa rin sa kanyang istura dahil mestiza nga si Jessy.

Marami nga ring fan na naengganyong baguhin ang kanilang look dahil sa aktres. Pero, marami rin ang nagsabi na ang guwapo ni Jessy ngayon, at sabi ng mga babae ay crush nila ito, ha! (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/jessy-pumogi-pantasya-ng-mga-bebot.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi