Jinri Park binantaan ang manlalait sa mister niya

2 years ago 0 Comments

Nagbanta ang Korean na si Jinri Park na iba-block niya ang mga follower niya sa Instagram na manlalait sa itsura ng kanyang Filipino husband.

Pinoste ni Jinri ang pre-nup photo nila ng kanyang hubby sa isang garden. Naka-long sleeves ang lalaki at naka-wedding dress si Jinri.

Sa caption ibinahagi ni Jinri ang nararamdaman niyang matiyagang paghihintay na maikasal na sila officially ng kanyang asawa para masaksihan ito ng kani-kanilang mga pamilya at kaibigan.

“Waiting patiently for our “official” wedding day – when I can have my family from Korea, friends from the Philippines and we can all finally hug each other again,” sey niya.

Ikinasal si Jinri sa isang civil rites lang ilang buwan bago nag-pandemic.

Naging maagap si Jinri sa sumunod niyang mensahe na ipagtanggol at bigyang babala ang mga manlalait sa itsura at pagkatao ng kanyang asawa.

Nanindigan ang sexy Korean model sa pag-ibig nito sa Pinoy hubby niya kahit hindi ito mayaman at sinasabing hindi rin kaguwapuhan.

“PS – if you ever comment something mean about my husband or say things like he must be rich I’ll block you!” banta ni Jinri.

Ibinahagi ni Jinri na isang empleyado lang sa isang company ang asawa pero masipag ito sa paghahanap buhay. Minahal nya ito sa kung ano ito.

“Not that I have explain to you but he the best partner for me who is an employee of a company where he works very hard for to earn a living. I love him for simply who he is.”

Hindi raw mababaw na tao si Jinri na tumitingin sa yaman, itsura o estado ng isang tao, na para sa kanya ay mababaw na pamantayan.

“Maybe, I’m not as shallow as the other people you judge me to be, going for looks, status money or whatever shallow reason.”

Ipinagmalaki nito ang katangian ng kanyang asawa.

“He’s an amazing husband and I will not tolerate anyone who judges him. You don’t know anything about him STFU.” (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/jinri-park-binantaan-ang-manlalait-sa-mister-niya.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi