JM nasa narco-list?

4 years ago 0 Comments

‘Nagdusa, naghirap na ako, hindi ko matatanggap!’

Sobra naman naming nirerespeto si JM de Guzman, friend o anak-anakan man naming ituring, dahil sa pagsagot niya kahit na sa pinaka-sensitibong isyu.

Dahil nag-iingay nga naman ulit ang gobyerno sa usaping “narco-list” kaugnay sa mga nasa showbiz, hindi maiiwasang hingan ng opinyon ang magaling na aktor ng “Last Fool Show.”

Sa aming pakikipag-usap dito, sinagot ni JM ang aming generic na “what if” question sa naturang narco-list. “What if nandu’n ang name mo?” tanong namin dito.

“Masasaktan, magagalit po siguro,” diretsong sagot ni JM sabay paliwanag na kahit da­lawang beses na siyang nabiktima ng pangit na karana­san niya sa droga, “parang hindi ko matatanggap na malamang nasa list ako if ever man.

Pinagdusahan, pinaghirapan at grabeng mga isyu sa buhay, kalusugan at mga personal na usapin ang nawala at na-sacrifice na, pati na mga mahal ko sa buhay. Siguro naman po ay deserve ko ang tinatawag na another chance and I’m here to be more focused and serious sa ganting kabutihan ng showbiz sa akin.”

Hindi man daw siya ang tamang tao para maglabas ng statement sa sinasa­bing mga nasa listahan, magsasalita raw siya base sa kanyang naranasan na at ginagawang pagbabagong-buhay at pagpapalago ng sarili bilang isang mabuting mamamayan.

“I can only speak for myself and for those things I wrongly committed, na inaayos ko na po. Kaya ko ng humarap kahit kanino na malinis na ako sa isyung iyan at wala na po iyan sa sistema ko,” sagot pa ni JM.

At dahil nabigyan nga si JM ng pagkakataon upang maging ganap na leading man via “Last Fool Show” kasama si Arci Muñoz, minsan pa itong humihingi ng pagkakataon na bigyang-pansin ulit ng moviegoers ang kanyang talento sa pagganap. (Ambet Nabus)

Source From:https://www.abante.com.ph/jm-nasa-narco-list.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi