John kinilabutan, na-shock sa pagkamatay ni Father Suarez

3 years ago 0 Comments

Ni: Rose Garcia

Grabe ‘yung timing ng pelikulang “Suarez, The Healing Priest.” Hindi masyadong na-publicized, pero halos 80% na ng movie ang ­nasu-shoot nang biglang nagulat ang ­lahat sa biglaang pagkamatay ni Father ­Ferdinand Suarez.

Marami na pala ang nag-attempt na i-produced ang movie, ilang ­directors na rin ang nagsimula pero hindi ­natuloy o natapos. Pero this time, ­nag-last ­shooting day na noong Sabado ang ­Suarez, The Healing Priest.

Ang actor na si John Arcilla ang ­gaganap sa buhay ni Father ­Suarez. Na-meet, ­nakausap daw niya ito even before na ma-vindicate sa naging ­alegasyon dito.

Ayon sa actor, lahat daw sila ay nagulat, na-shock talaga at kinilabutan nang malaman nila ang big­laang pagkamatay.

Isa raw si John sa tumakbo sa Asian Hospital nang malaman niya, na kahit Dead on Arrival na, naghintay raw siya along with Father Suarez ng ilang oras na baka mabuhay pa.

Nang makausap daw niya ng personal ang namayapang Pari kaya siya nag-decide na tanggapin ang movie.

“Nang ­makausap ko siya, nakita ko kung ano ang sinseridad ni Father.

Naramdaman ko na ang allegation is allegation lang talaga. ‘Yun ang nagbigay sa akin ng desisyon para tanggapin. Na hindi ako magiging parang mouthpiece lang o tagapagsalita niya.”

Ang daming kuwento ni John. Na hindi raw niya naikuwento ng personal at sinarili muna ang kakaiba rin na naging experience niya nang hawakan daw siya nito sa batok.

May surprise appearance si Father ­Suarez sa movie with his personal ­healing prayer. Kaya kahit wala na ito, ‘di malayong through the movie, ­marami pa rin ang mahi-healed.

Posibleng ipasok ang movie sa summer Metro Manila Film Festival or baka nga raw mapaaga pa ayon sa director na si Direk Joven Tan.

Dingdong humiling ng pelikula with Marian

Tinanong ko si Dingdong Dantes kung posible na i-consider nilang mag-asawa na si Marian Rivera na pagkatapos ng magkaibang serye nila ngayon, ang susunod ay sila na ang magkasama bilang marami rin ang nakaka-miss sa kanila.

“Sana po for a movie,” nakangiting sabi naman ni Dong.

Anyway, ngayong gabi na ang pinakahihintay na primetime series nina Dingdong at Jennylyn Mercado.

Nakikita namin kay Dingdong kung gaano siya ka-excited at masaya sa mga nagawa na nilang eksena, lalo na ang pilot episode ngayong gabi.

Sina Dingdong at Jennylyn na yata ang dalawa sa pinagkakatiwalaan ng gumawa ng mga adaption ng malalaking Korean series.

Sa part ni Dingdong, isa siya sa mga unang gumawa nito noon pa man. Natapos na rin niya ang pelikulang A Hard Day na adaptation din ng Korean film.

Natawa si Dingdong nang sabihin namin na puwedeng idagdag sa title niya ang King of Korean adaptation.

“Sa susunod, do’n na ko magbabakasyon,” ­natawang sabi niya.

Baguhang boy group nanghingi ng bayad sa photo op

Sobrang baguhan pa lang at masasabing wannabe sa totoong K-pop group ang boy group na ito, pero mukhang nakalimutan yata na wala pa silang napapatunayan.

Nagulat ang isang talent agent na nag-inquire sa grupo para sa isang event/show. Naloka ang agent sa ­mahal na tf na kino-quote. Pero ang mas ikinaloka ng agent, ‘yung mag-quote na kung may photo op daw with fans (kung meron nga) ay separate talent fee.

Sey ng agent, “Kakaloka! Feeling ­K-pop ang image na ginagawa ng ­handler or manager. Mas ikinaloka ng client yung separate payment ng photo op.”

Naloka rin talaga kami nang malaman namin kung sino ang grupo na ito na hindi naman mga kilala pa or baka dahil sa panggagaya sa K-pop, nakalimutan na hindi naman sila totoong Koreans.

Source From:https://www.abante.com.ph/john-kinilabutan-na-shock-sa-pagkamatay-ni-father-suarez.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi