Joshua jackpot kay ‘Mama Susan’

3 years ago 0 Comments

Kakawala muna sa love team si Joshua Garcia sa bagong pelikulang gagawin. Si Joshua ang male lead sa movie na ididirek ng premyadong si Chito Rono sa unang joint venture ng Regal Entertainment at Blacksheep Production.

Hindi drama, hindi romantic-comedy kundi horror movie ang gagawin nila. Ito ay ang adaptation ng best selling novel ni Bob Ong, ang “Mga Kaibigan ni Mama Susan”.

Jackpot si Joshua dahil pagdating sa horror films, isa ito sa forte ni Rono, huh!

Nakakaintriga ang title ng movie, huh! Sino kaya ang mga kaibigan ni Mama Susan?

Kisses subsob sa trabaho

Kasado na ang paglabas ni Kisses Delavin sa fantaserye na Sunday show ng Kapuso network.

Bale ito ang unang programa sa Kapuso network ni Kisses na aarte siya. Nag-guest siya sa show nina Boobay at Tekla, at siyempre sa “Eat Bulaga” pero para sa promotions ng movie niyang “D’Ninang”.

Oo, management lang ang nilipatan ni Kisses nang umalis sa Star Magic at ngayon ay nasa Triple AAA na.

Na-excite siyempre ang fans ni Kisses na mapapanood na ang idolo nila sa fantaserye. Todo tweets at retweets ng mga balita tungkol sa guesting niya, huh!

Source From:https://www.abante.com.ph/joshua-jackpot-kay-mama-susan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi