Joy Belmonte nilampaso ang kalaban

4 years ago 0 Comments

NILAMPASO ng koponan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang kanilang mga kalaban sa ginawang survey kamakailan.

Sa survey ng Media Trends, walang nakalapit kay Belmonte sa pagka-mayor matapos itong umani ng 64%, kahit pa ang kanyang pinakamahigpit na kalaban na si Bingbong Crisologo na kumuha lamang ng 28%.

Hindi na rin banta kay Belmonte si Chuck Mathay na nakatanggap lamang ng 5%
Para naman sa pagka-vice mayor, pinakain ng alikabok ni Gian Sotto ang kanyang mga kalaban matapos siya umiskor ng 54% kumpara kay Roderick Paulate (20%) at Jopet Sison (18%).

Nasa 8% lamang ang undecided.

Sa congressional race naman sa District 2, nanguna si Precious Hipolito Castelo nang makarekord ito ng 69%. Sumusunod kay Castelo sina Dante Liban, 14% at Annie Susano, 13%.

Source From:https://www.abante.com.ph/joy-belmonte-nilampaso-ang-kalaban.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi