KINAMPIHAN ni Bayan Muna chairman at Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares si Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Nauna nang tinawag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi makabayan si Carpio nang sumang-ayon ito sa ibinunyag ni Colmenares na ‘one-sided’ ang mga pautang ng China at dehado ang Pilipinas dito.
“It is stupid for Panelo to say na hindi alam ng China ang loopholes ng loan agreement. Eh template ng China ‘yun. We ask Malacañang: Sino nag-draft ng loan? China, ‘di ba? The Palace allowed China to write the agreement and like vassals Duterte and his minions simply agreed to it,” komento ni Colmenares.
Iginiit ni Colmenares na hindi dapat sisihin si Justice Carpio sa paglalantad ng mga butas.
Ang dapat aniya na sisihin ay ang paglagda ng gobyerno kahit alam ng may butas sa kasunduan at masyadong agrabyado ang panig ng Pilipinas.
“Daig ninyo pa ang mga ‘Makapili’ nu’ng panahon ng Hapon,” ayon pa kay Colmenares.
Source From:https://www.abante.com.ph/justice-carpio-nakahanap-ng-kakampi-vs-panelo.htm